Share this Post!

MANILA, Philippines – NAIS palawakin pa ng Quezon City Local Governmemt ang suporta para sa mga Micro Small and Medium Enterprises (SMEs) sa lungsod sa tulong ng Food and Drug Administration (FDA).

Nabatid ito matapos na lumagda sa isang memorandum of agreement sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at FDA Director Gen. Samuel Zacate para sa pilot launching ng programang Bigyang-halaga, Bangon MSMEs o BBM-MSME.

Kaugnay nito, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang mga lokal na negosyante, partikular ang micro, small, at medium enterprises, na mapalago ang kanilang mga produkto at maibenta ito maging sa International market.

Samantala sa ilalim nito, susuportahan ng FDA ang mga MSME sa lungsod na makasunod sa health at safety standards at sa food and drug regulations at masigurong ang kanilang mga produkto ay maging ligtas, epektibo at de kalidad.

Ayon sa FDA, kabilang sa makikinabang rito ang mga food business operators at cosmetics business sa lungsod na bibigyan ng tulong teknikal at pagsasanay para makakuha ang mga ito ng otorisasyon at sertipikasyon gaya ng license to operate, certificate of product registration at good manufacturing practice.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, malaking oportunidad ang bubuksan ng naturang partnership para maging export quality ang mga produkto sa lungsod.

Ang QC ang unang LGU na naging bahagi ng implementasyon ng Bigyang-halaga, Bangon MSMEs o BBM-MSME.

See more>>